Ang P12 milyong multa ng SEC laban sa Villar Land Holdings Corp. ay higit pa sa simpleng administratibong parusa lamang.
Isang malinaw na mensahe ito na kahit pinakamalaking kumpanya ay hindi makapagtatago sa teknikal na palusot laban sa publiko.Ang hindi maagap na pagsusumite ng audited financial statements ay seryosong kapabayaan na nagdudulot ng maling impormasyon at posibleng panlilinlang sa mamumuhunan.
Ang Villar Land, pinamumunuan ng makapangyarihang pamilyang may impluwensyang pulitikal at pangnegosyo, ay mas inaasahan pagdating sa transparency at integridad.
Ngunit ang kanilang mabagal na aksyon at pabago-bagong dahilan ay nagdulot ng impresyong sinadya nilang ipagpaliban ang proseso para gumanda
P12 Milyong Multa sa Villar
Ang biglang pagtaas ng turnover ng shares matapos ilabas ang hindi pa beripikadong ulat ay patunay ng epekto sa publiko.
Ang argumento na kinulang lang ng oras ang auditor ay hindi sapat; malinaw na may pagkakataon sila ngunit nag-atubili kumilos.
Sa ganitong paraa na kaso, hindi dapat palusutin ang higanteng korporasyon sapagkat ito’y magbubukas ng pintuan para sa kaparehong kasalanan.
Samakatuwid, dapat magsilbi itong babala: walang sinuman, gaano man kalaki o makapangyarihan, ang higit sa batas at pananagutan sa mamamayan.
