Malacañang kontrolado ang PNP

Ang pagpapatalsik kay PNP Chief Nicolas Torre III ay malinaw na patunay na Malacañang ang tunay na nagdidikta sa pambansang pulisya.

Hindi bago ang ganitong eksena: kapag hindi nakahanay ang lider sa interes ng Palasyo, mabilis siyang pinapabagsak at pinapalitan.

Sa maikling panahon, nagpakita si Torre ng tapang sa pag-aresto kay Duterte para ICC at pagkakahuli kay Quiboloy.

Ang malinaw na mensahe: walang opisyal ang ligtas kapag hindi nakalinya sa kagustuhan ng Malacañang at ng makapangyarihang Palasyo.

Kung gayon, paano pa aasahan ng taumbayan na ang PNP ay magsisilbi sa batas at hindi interes politiko?

Sa halip na palakasin ang kredibilidad ng PNP, Malacañang ang nagiging utak ng destabilisasyon mismo sa loob ng institusyon.

Ang pagkawala ng tiwala ng publiko sa PNP ay direktang resulta ng labis na pakikialam ng Malacañang sa pulisya.

Hangga’t kontrolado ng politika ang PNP, mananatiling tanong kung umiiral ang batas o hungkag lamang itong salita ng makapangyarihan.